Chapter 44 REGINA'S POV Nagising ako na tila ba hinuhukay ang aking tyan sa sakit. Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita ko si Alexander na mahimbing pa din natutulog. "Ahh!" Tinakpan ko ang aking bibig para kumawala ang malakas na unggol mula doon. Unti-unti ko na naman nararamdaman ang matinding kirot at sakit na ayaw ko na maramdaman. No. Please huwag ngayon. Pagod na ako! Pagod na ako na halos araw-araw na lang ako sinusumpong nang aking sakit. Pagod na akong damahin na halos palagi na lang ako nasasaktan at nahihirapan. Hinawakan ko ang aking tyan ng mahigpit, para pigilan itong sumakit, kahit alam kong wala ding epekto. Naging mabigat ang aking pag-hinggga at namuo ang kirot sa aking laman na tila ba kinakain. Nag pakawala na lang ako ng malakas na unggol, ng sandaling iyon.

