Chapter 30 REGINA'S POV Sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi, habang pinag mamasdan ang repleksyon ko sa salamin. Isang simpleng dress lamang ang aking suot. "Ang laki mo na baby," kinakausap ko ang maumbok kong tyan na ngayon pansin na din ang paunti-unting pag laki ng tyan. "Excited na akong makita at mahawakan ka,kaya't huwag mong pahirapan si Mommy okay?" Hinaplos ko marahan. Nakita kong dumaan sa likuran ko si Alex, at naka suot lamang itong simpleng tshirt at maong na pantalon. "Alex saan ka pupunta?" "Coprahan?" Bored na sagot. "Pwede bang sumama?" Lumapit ako sakaniya at pinaningkitan niya na lamang ako ng mata. "Dito kana lang muna Regina, babalik din ako kaagad ha?" Hinawakan niya ang tuktok ng ulo ko na mapa nguso ako. "Uuwi din ako mamaya, bago mag tanghalian para

