Chapter 34 REGINA'S POV "Regina, tara kain na tayo." Aya ni Manang Salvacion, na karaniwang nag aayos siya ng lamesa para mag simula na kami kumain. "Mamaya na ako Manang kakain, may hinihintay pa kasi ako eh." hindi na maalis ang matamis na ngiti habang pinag mamasdan ang repleksyon ko sa salamin. Isang sleeveless na black dreas ang aking sinuot, at tinernuhan ko ng pares ng tsinelas. "Sigurado ka ba? Baka mapagalitan na naman ako ni Sir Alexander niyan eh," "Huwag po kayong mag alala Manang, sasabihan ko si Alexander na hindi ka niya pagalitan." Proud kong sambit. Nilugay ko ang mahabang buhok ko, at gan'on okay na siguro ang ayos ko para salubungin lamang ang binata. Si Alexander naman, abala siya sa pag ma-manage ng kompaniya nila dahil siya lang naman daw ang inaasahan ng kaniya

