Special Chapter "Regina," wala sa sarili kong sambit habang pinag mamasdan ang aking asawa na naka tayo sa aking harapan. Sandali panaginip lamang ba ito? Nakikita ko ang bulto ng aking asawa? Malaya ko siyang pinag mamasdan at naka tayo ito at kay-tamis na sinukling ngiti sa'kin. Napaka aliwalas ang kaniyang mukha. Nawala na ang payat, at putla doon. Napaka lusog na niya, na wala na itong iniindang sakit. Totoo ba ito? Totoo ba itong nakikita ko? Buhay siya? Naka suot lamang itong puting bestida na puti at manipis na jacket. She even cut her hair, na hanggang lamang balikat ang haba noon. Kahit wala siyang gaanong make-up napaka ganda niya pa din. Dahan-dahan kong binaba si Amelia sa pag kakakarga at wala akong pinalampas na pagkakataon, na yakapin nang sobrang higpit si Regin

