Magkahawak-kamay kami ni Aquihiro nang pumasok ako sa opisina ni Tabitha. Nakita ko si Nena na agad ngumiti nang matamis sa akin. Pero inirapan ko lang ito. "Good morning, Ma'am Tabitha. Gusto n'yo po bang ipagtimpla ko kayo ng gatas?" "Coffee." Tipid na tugon ko, saka bumitiw sa pagkakahawak kay Aquihiro at naupo sa swivel chair. Sinulyapan ko si Aqui na tumayo sa napakalaking glass wall, sa labas ay tanaw ang nagtatayugang mga gusali. Ito ang araw-araw na view ni Tabitha, parang katumbas ng view na ito ang tagumpay. "Aqui, tell me. . . gusto mo bang maging atin ito?" tanong ko rito. "Kung ipapa-annul mo ang kasal ninyong dalawa, at pakasal ako'y siguradong makukuha mo ang nais mo. Minsan nang nabanggit ng aming ina na sa akin nakalaan ang kompanyang ito." Agad na napalingon ang lal