"Where is Atlantis?" tanong ni mama sa akin. Humalik muna ako sa pisngi nito, saka naupo sa couch. "Napagod sa gala namin, ma. Kaya nakatulog. Nasa guest room siya ngayon dahil napagod sa kalalaro at katatakbo." "Permanente na ba kayo rito?" "It depends, Ma. Alam mo naman na nakadepende sa negosyo, Ma. May mga kailangan akong ayusin dito. Saka iyong mga properties ko sa Cartan at pati na rin iyong isla. Kaysa napapabayaan ng gano'n ay plano kong i-develop at nang mapakinabangan." "Hijo, paano ang pag-aaral ni Atlantis? No plans na i-enrol siya?" "Bata pa naman si Atlantis, ma. Pwedeng mag-home school muna siya." "Pero mas mahahasa siya lalo na sa social skills kung hahayaan mo siyang mag-aral, at hindi lang dito sa bahay." "2 months pa naman. Pwede ko pang pag-isipan." Tugon