Maingat na iniayos ko ang puting kumot ng lalaking nakahiga sa hospital bed. May mga tubong nakakabit dito, ilang buwan na itong comatose at walang ibang dumadalaw sa silid nito kung 'di ako lang at ang mga nag-aalaga rito. Sinulyapan ko ang doctor na nag-aabang lang sa paanan ng kama. Bahagya itong ngumiti sa akin. "Any improvement?" seryosong tanong ko sa doktor na siyang tanging pinagkakatiwalaan kong mag-monitor nang kalagayan ng lalaki. "Miss Agatha, still no improvement." Honest na tugon nito. Iyon na lang ang palagi kong naririnig sa tuwing dumadalaw ako rito, para alamin ang kalagayan ng lalaki. Si Doctor Miller ang pinagkakatiwalaan ko, katulong nito si Doctora Mercedes na siyang malapit din sa akin. Ang mga kamay nila ay parang may dalang milagro. Dahil no'ng dalhin ko