Dahil sa matinding pagod ay nakatulog ako pagkatapos akong dalhin sa private room. Nakita ko pang natutulog na rin si Matilda na katatapos lang sumailalim sa CS. Sa awa naman ng Diyos ay nai-normal delivery ko ang akin. Hindi pa oras, pero nagmadali nang lumabas . Nang magising ay agad kong iginala ang aking tingin. "Babe, gising ka na. Tignan mo ang anak natin." Excited na binuhat ni Aquihiro ang sanggol na nakabalot sa kulay sky blue na tela. Nang ilapit n'ya iyon sa akin ay ingat na ingat pa n'yang ipinasa. "Look, kamukha mo ang baby boy natin. Thank God!" ani nito. Pinagmasdan ko ang sanggol. Hindi ko maiwasang mangiti. Napaka-cute ng sanggol. Parang anghel ang mukha. "Tabitha, pwede na tayo ulit magsimula. Pangako ko sa 'yo na magiging mabuting ama ako sa anak nating dalawa. Lal