Hapon dumating si Aquihiro. Nang umuwi ito'y may dala pang prutas at bulaklak na para sa akin. Mukhang meeting talaga ang pinuntahan nito, kanina nga'y tinatapos pa nito sa tabi ko ang trabahong iniuwi nito. Ngayon ay minamasahe na nito ang binti ko habang panaka-naka akong tumititig sa wall clock. Parang masyadong mabagal ang oras ngayon, gustong-gusto ko nang malaman kung mapaninindigan ba ng kakambal ko ang katigasan ng ulo n'ya. "May hinihintay ka ba? Kanina ka pa patingin-tingin sa orasan." Puna ni Aqui sa akin. Sumentro tuloy rito ang tingin ko. Waring nag-alinlangan pa kung sasabihin ba rito ang laman ng aking isipan. "Wala. May inaabangan lang akong palabas. 7 pm iyon, parang ang bagal ng oras ngayon." "Kasi masyado mong binabantayan. Kwentuhan mo ako ng mga ginawa mo rito