Day 1, unang araw ko dito sa Manila and though I lived here before for a year naninibago pa din ako dahil ilang taon na din naman ang lumipas when that happened.
It's already 6:30 and tumutunog na ang alarm clock ko kaya naman ay bumangon nako at pinatay ito. Actually mas maaga pa nga ako kesa sa alarn clock ko eh, probably dahil na din sa di talaga ako nakatulog at mukhang namamahay ako.
Ano nanaman kayang kakainin ko for breakfast? Nalimutan ko bumili ng cup noodles kagabi so I guess I have no other choice but to eat outside again.
Tumayo nako mula sa kama, inayos ko muna ito bago ako nagtungo sa banyo para maghilamos at magmumog. Nagsuklay na din ako para naman maayos itsura ko paglabas, pagkatapos ay sinuot ko na ang jacket ko, kinuha ang wallet at phone saka na lumabas.
Hindi pa naman gaanong maginaw ngayon kaso nakasando lang kasi ako at tinatamad akong magpalit ng shirt kaya jacket na lang
Balak ko sanang magbreakfast sa 7 11 pero napadaan ako sa isang coffee shop kaya naisipan kong dito na lang mag agahan.
Bago to dito wala ito dati. Pagpasok ko sa loob ay nilibot ko ang paningin ko. Maganda naman ang ambiance dito, may mga libro din na maaring basahin kapag gusto mong tumambay dito ng ilang oras. Iba iba din ang style ng upuan dito. Sa dulong bahagi kung gusto mong mapag isa at mag muni muni pwede ka dun, mababa lang ang style ng mga mesa at sa sahig ka uupo parang japanese style pero syempre may cusion kang mauupuan din naman para comfy.
Sa kabilang parte naman ay para siyang hammock na pabilog at sa harapan ay may munting mesa din. May glass lang na nakapagitan dito na nagsisilbing division mula sa japanese style at dito pero yung salamin ay mejo blurry na sinadya talaga para di makita yung mga tao sa kabilang side nito which I applauded kasi kung bet mo talaga ng privacy you're good here haha.
Sa harapang parte naman ng shop o sa bungad kung saan makikita agad ng mga tao pagpasok mo dito ay mga normal na mesa at upuan lamang pero classy pa din namang tignan and of course sa malapit sa window ay mga high stools while sa mga gilid gilid ay shelf na punong puno ng libro at may mga board games din kung bet nito magpalipas oras dito ng mga barkada mo. Meron ding pasecond floor ang coffee shop niyo oh diba haha sa 2nd floor maliit lang ang space niya at parang Japanese style din siya dun but dun makikita ang ibat ibang wall designs na magandang pang background kung balak niyo magpost sa instagram.
Ini endorse ko na po tong coffe shop kaya visit na hahahha eme.
Nagtungo nako sa counter para mag order ng isang cappucino at pancake with choco syrup hoho yum. After 10 minutes pa daw yung order ko since iluluto pa nila yung pancake pak bagong luto fave place ko na to swear.
Iseserve na lang daw nila yung order ko sa table ko so nagtingin na lang muna ako ng bool na pwedeng basahin saka na pumunta sa 2nd floor at naupo sa dulo.
Medyo madilim dito kaya nakabukas na ang mga ilaw na manilaw nilaw perfect para sa ambiance dito.
Pagkaupo ko ay agad kong binuklat yung librong nakuha ko. Isa itong fiction sa pagkakaalam ko dahil nakuha ko siya sa fiction na part ng bookshelf.
The book was entitled "The Ring of Love", at first I thought it's a romance story or something pero nakalagay kasi sa baba na "Not your typical fairytale" so I don't really know haha. Well then basahin na lang natin.
Medyo makapal din yung book so I think di ko to matatapos basahin within the time na ilalagi ko dito. Pero umpisahan na lang natin pwede naman siyang ituloy basahin when I go back here eh.
Ring of love is a ring of hope,
If once wore by someone you truly adore,
A hope of love will come knock at your door,
For the eyes will see a beauty of lure.
Yun ang nakasulat sa unang pahina, mukha itong tula pero ewan may ibang feeling kapag binasa. Well it already caught my attention. Ililipat ko na sana ito sa sunod na pahina nang dumating yung order ko. Nagpasalamat naman ako sa waiter ng mailapag na niya lahat ng order ko.
"Good morning ma'am nais lang po naming ipaalam sainyo na sa kaliwang bahagi po sa unang palapag ng shop ay may freedom wall. May sticky notes po dun at ballpen na maari niyong gamitin sa pagsulat ng gusto niyong sabihin at idikit sa freedom wall. Nasa inyo po ang disisyon kung gusto niyong isulat ang inyong pangalan o manatiling anonymous. Yun lang po, enjoy your breakfast." yumuko pa ito bago tuluyang umalis.
Freedom wall ah, uso pa din pala yun sa panahon ngayon. Welp maganda din magbasa ng mga nakasulat dun though cringe nga lang yung iba hahaha.
Tinabi ko na muna yung librong binabasa ko kanina at nagsimula ng kumain. Pero bago yun kinuhan ko muna to ng picture saka pinost sa IG story ko.
Di ko na muli pang nabuklat yung libro hanggang sa matapos akong kumain. Napatingin naman ako sa relo ko at nakitang 7:30 na ng umaga. Pupunta pa ako sa mall mamaya para bumili ng mga kakailanganin ko sa condo.
Pinalipas ko muna ang sampung minuto bago napagdesisyunang iligpit na yung tasa at platito na ginamit ko sinalansan ko na ito para kukunin na lang mamaya pinunanasan ko na din yung mesa gamit ang tissue na nakalagay sa table.
For your information lamang po mga kapatid ganito po talaga ako pag kumakain sa ibang places mapa restaurant man yan, fast food chain, karinderya or whatsoever, nakasanayan ko na din kasi eh parang nakakahiya kasing iwan na lang siya diyan ng ganyan eh haha well in my own opinion.
You might say trabaho yan ng waiter or crew ng kainan but wala naman pong rules na nagsasabi na sila lamang ang maaring magligpit ng mga pinagkainan sa mesa or bawal ang mga customer na linisin ang mesang kanilang ginamit. It's just a matter of manners or good conduct. However, I am not saying na kung di ka nag aayos ng pinagkainan mo sa fast foods or what eh wala ka ng mabuting asal o manners nasa sayo pa din naman yan eh okie? Don't hate me guys story ko to hahaha char
Binalik ko na din sa shelf yung libro na kinuha ko kanina bago tuluyang lumabas ng coffee shop. Medyo may araw na din sa labas dahil anong oras na din naman kaya mejo mainit na.
Dumiretso na lang ako sa condo ko para maligo at magpalit.
Nasuot lamang ako ng black oversized shirt, white fitted ripped jeans saka black na vans shoes. Nilagay ko din sa sling bag ko yung phone at wallet ko pati na yung susi ng condo ko pagkatapos kong mag ayos ay lumabas nako.
O diba, paney labas ang elia niyo haha. Welp that's life.
Pumara nako ng taxi sa tapat ng condo saka sinabing sa mall ako papunta. Buti at hindi traffic ngayon kaya agad din kaming nakarating sa mall. Pagdating dun ay nagbayad nako at bumaba na.
Pagpasok sa mall ay ginala ko ang paningin ko. Maski dito ay madami ding nagbago, dumami yung mga shops specifically sa mga bilihan ng damit. Nangangati yung paa kong pumasok sa shop ng shoes pero pinigilan ko sarili ko dahil madami pakong dapat bilhin na mas importante. Needs before wants ghorl.
Kumuha ako ng shopping cart bago pumasok sa grocery store. Iniisa isa ko na sa utak ko lahat ng kailangan ko habang naglalagay ng mga items na nadadaanan ko na kakailangan ko sa condo.
Una akong nagpunta sa instant noodles section. Isa po akong breakfast person mga kapatid pero kadalasan kaso nakakatamad magprito prito pa ng mga frozen foods kaya instant na lang tayo haha pero wag kayong ano ah di naman laging instant ano that's not good for the health hmm alam niyo na mga kapatid ah this is a fun fact ang instant noodles ay dapat once a week lang kainin dahil di yun healthy owkiii?
Kumuha lang ako ng limang canton na puro sweet and spicy. Jjampong, cup noodles na maanghang, curly spaghetti, carbonara at sopas na instant haha kumuha din ako ng mac and cheese. Saka ako nagtungo sa mga kape at kumuha ng mga twelve na twin pack ng great taste choco. CHOCO! Rich vitamins with mild coffee!! hahaha char
Sunod naman sa mga asukal, asin, at kung ano ano pang magagamit sa pagluluto. Kumuha din ako ng tatlong fresh milk na iniinom ko sa gabi bago ako matulog. Di nako bata I know pero di lang naman exclusive for kids ang milk eh huehue.
Sunod akong pumunta sa biscuit section, kumuha ako ng isang pack ng presto butter flavored, sky flakes at fita masarap silang isawsaw sa kape sa umaga hoho.
Loaf bread, star margarine na pink, hopia etc then next naman pumunta ako sa junk foods section kumuha ako ng malaking VCut, Piattoos na maanghang, at Honey Butter. Hindi ako healthy living kaya wag kayong kokontra haha. Next na pinuntahan ko ang beverages section kumuha ako ng ilang bote ng coke mismo at ilang lata ng cali ehem sa mga nakakaalam ng cali lam niyo na haha char.
Pumunta naman ako sa poultry section para bumili ng meat, kagandahan lang kasi dito marinated na ang mga karne unlike sa palengke na fresh na fresh bagong katay ganern hahaha pero okay din naman yun mas bet ko lang ang marinated.
Kumuha ako ng pang steak, pang kare kare, and pang adobong karne. Kumuha din ako ng isang dosenang itlog ng madaanan ko iton
Tinignan ko lahat ng nasa cart kung nakuha ko na ba lahat ng kailangan ko and nang tingin ko kumpleto nako pumila nako para magbayad.
Ilang minuto din ang tinagal ko sa pagbayad dahil na din sa haba ng pila pero atleast nakarao na. Ilang plastic bag ang bitbit ko ngayon and mabigat ghorl takte mag aasawa na ata ako para may taga bitbit ng groceries char hihi.
Paglabas ko ng mall ay nag abang na ako agad ng taxi ang kaso nga lang ay bawat taxing dumarating nauunahan ako ng mga tao sa pagsakay azar. Halos ilang minuto na din akong nakatayo dito ansakit na ng paa, kamay at maski puson ko, ewan ko anong ganap ng puson ko eh wala naman siyang bitbit aside sa mattress ko ehe joke.
Di ko alam kung ilang minuto pa ang dumaan sa kakahintay ko ng taxi ng may biglang braso na pumulupot sa bewang ko. Para naman akong natuod sa pwesto ko at di ako nakagalaw sa biglaang pangyayari.
Juskooo Looord salamat po sa blessings huhu joke, biro lang po yung pag aasawa na sinabi ko kanina gusto ko pa munang magtapos ng pag aaral.
"Don't think too much, binaba ko lang yung damit mo sa likod saka inayos sa harap para matakpan yung pwet mo." Seryosong sabi nito. Pamilyar yung boses niya pero di ko alam kung san ko yun narinig.
Napatingin naman ako sa damit ko at nakitang nakababa na nga ito, dahil over sized ito abot nito hanggang sa hita ko kaya naman ay tinaas ko yung sa likurang parte kanina.
Tumingin naman ako sakanya ng nagtataka pero mas lumaki yung mata ko ng makita kung sino ito.
"You stained your pants. Next time don't wear white pants when you're on your period." Sabi ni Mr. Hoodie saka ito pumara ng taxi. Yep, siya yung lalaking nakita ko sa palengke nung time na tumira ako dito ng isang taon. Owshiii, akala ko di na ulit magtatagpo ang landas naman waaaah Lord thank you talaga sa lahat ng Blessings huhu.
"Get in." Anito sakin saka binuksan ang pintuan ng taxi na pinara nito. Kumunot naman ang noo ko dahil dito.
"Hindi, okay lang ikaw pumara niyan dun na lang ako sa susunod na taxi." Sabi ko naman dito habang umiiling iling pa. Bumuntong hininga naman ito.
"I have my own car, I purposefully get these taxi for you." Bored na tugon naman nito na ikinangiwi ko. Gentleman ah pero mukhang maattitude din.
"Oh, okay." nasabi ko na lang saka na sumakay, sinara naman niya ang pintuan ng taxi saka naglakad palayo.
"San po tayo ma'am?" tanong sakin ni kuya driver dahilan para mapatingin ako sakanya.
"Ahm, ano sa Skyline Condominium po" sagot ko naman at hindi na ito umimik at nagdrive na lang palayo sa mall.
I never thought na magkikita kami agad sa unang araw ko dito sa Manila. To be honest ni di ko na naisip pang magkikita ulit kami dito. Pero ngayong nagkita na uli kami pakiramdam ko bumalik lahat ng feelings ko for him.
Yep, I kinda like him and it all started how many years ago.
"Andito na po tayo." Pagpapabalik sakin sa huwisyo ni kuya agad ko naman ng inabot ang bayad ko saka na lumabas bitbit ang mga pinamii ko.
Pagdating ko sa unit ko ay inayos ko na agad lahat ng pinamili ko para minsanang pahinga na lang after, sobrang sakit na talaga ng katawan ko eh.
Pagkatapos kong mag ayos ay naisipan kong mag shower na at magpahinga muna since maaga pa naman at tinatamad akong gumala ngayon so dito na lang muna ako sa condo.
Pumasok ako sa walk in closet ko para kumuha ng pagbibihisan saka na pumunta sa banyo. Una kong tinanggal yung t shirt ko at sa di inaasang pagkakataon ay napatingin ako sa salamin ng banyo at nakita ang dahilan ng lahat.
WAAAAHHHH, PISTING YAWA, MAY TAGOS AKOOOO! (;´༎ຶٹ༎ຶ`)