“Sino ba ang p-tanginang nagsabi na magiging kabit kita? At sino ang d-putang may sabi na girlfriend ko si Nikka?” sigaw niya na halos magpabingi sa akin. Natulos ako mula sa aking kinauupuan. Iyon ang huling bagay na maiisip ko na maririnig ko mula sa kaniya. Kulang ang salita na nagulat ako. It was beyond that. I couldn’t even find my tongue to utter some words. Kahit nga sa mga oras na ito ay nakalimutan kong huminga. I am just staring at him with too much disbelief and shock in my eyes. “You keep on believing what you hear, baby…” matigas pa rin ang ekspresyon sa mukha na wika niya at nagsimula nang imaneobra ang sasakyan. What? Of course, maniniwala ako kung marami naman patunay na nakikita, hindi ba? Hindi naman sasabihin ni Nikka na boyfriend niya si Raiden kung h