“Aling booth ang gusto ninyo na unang puntahan natin?” tanong ni Enzo habang naglalakad kami palabas ng café. May hawak siyang pamaypay at panay ang pagpaypay niya sa sarili kahit naman mahangin sa paligid. Pagkatapos siguraduhing maayos ang loob at walang kahit anong naiwan ay nagpasya kaming lumabas na at maglibot. Sa tingin ko naman ay magandang suhestiyon iyon. I want my mind to get occupied by some things other than Raiden De Silva. Walang na ngang kapaguran ang utak ko kaiisip sa isang iyon. “Ikaw po, Miss Catalina? You decide where to go first. Ito-tour ka po namin.” Nakangiting baling ni Stephen sa akin. Bahagya akong natigilan doon ngunit kalaunan ay nagkibit na lang ako ng balikat. “Bahala na kayo kung saan ninyo gusto. Sasama naman ako kahit saan ‘yan.” I sm