“Please marry me, Miss Catalina!” masiglang sabi ng batang babae. Humiwalay siya mula sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Masigla ang kaniyang mukha. May malaking ngisi sa mga labi ngunit maya-maya ay agad din iyong napalitan. Agad na lumambot ang kaniyang mukha at namungay ang mga mata habang diretsong nakatingin sa akin. She pouted and her eyes were twinkling from unfallen tears. Mukha siyang maiiyak na parang hindi. Nagulat ako nang biglang hawakan niya ang aking magkabilang kamay. Ako naman ay naguguluhan sa kaniya. Napapakunot na lang ang aking noo habang pinapanood siya. She is so hyper. Ang daming energy. Nakikita ko talaga sa kaniya si Ellie. Para silang nakalaklak ng isang bote ng multivitamins. “Ako na lang, please. Ako na lang ang mahalin mo,” madamdamin