Chapter Seventy-Six

1508 Words

“Maligayang pagbati sa ‘yo, binibini…”     Agad akong napalingon nang marinig ang mabini at pamilyar na boses na iyon. Paglingon ko ay tumambad sa akin ang babaeng kamukhang-kamukha ko. May matamis na ngiti sa kaniyang magandang labi habang nakatingin sa akin. Nararamdaman ko ang banayad na pakiramdam sa paligid.     Inilibot ko ang paningin sa paligid. Nandito akong muli sa lugar kung saan una ko silang makita ng kaniyang ama. Ang kaibahan nga lang ay kaming dalawa ang nandito. Her father is nowhere to be found.     Napatikhim ako. “Hi…” ganting sagot ko sa kaniya.     Hindi ko halos matagpuan ang aking boses nang batiin siya. Sobrang hina noon sapagkat hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako. Ngayong sobrang lapit namin sa isa’t-isa ay hindi ko pa rin maiwasang hindi manibago

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD