CHARLIE “Charlie, may naghahanap sa’yo. Labas ka na muna d’yan at mukhang excited na ‘tong taong ‘to na makausap ka.” napatigil naman ako sa pagbabasa at tumingin sa oras. Si Kitty? Bakit parang ang aga? Alas dose pa lang ah. Wag mong sabihing biglang nagbago yung isip n’ya at lunch date na lang instead of dinner date. Luh, di pa ako ready at mukhang di pa rin ready yung mga mag-aayos sa akin dahil pagkakain namin ng breakfast kanina, nagsipasok na sa kani-kanilang kwarto para magpahinga. Ah, baka magdadala na naman s’ya ng lunch parang kanina. Nako, mukhang masyado na yatang nagiging clingy si Katherine. Parang sasaglit pa lang ako na hindi nakikita, nandito na naman. Pero hindi naman ako nagrereklamo, gusto ko nga rin ‘to, dahil namimiss ko rin naman s’ya. Kanina ko pa nga gustong mag