CHARLIE “There. Done.” nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko yung sinabing ‘yon ni Alexis. Sa wakas. Akala ko matagal pa s’ya sa ginagawa n’yang kung ano sa mukha ko. May tiwala naman ako sa kanya, pero ewan ko ba, hindi naman ako sanay din na nagmamake-up. Pero sabi nga nila, kailangan daw yon para mukhang presentable naman sa first date. Pagmulat ko, napatulala ako sa nakita ko. Well, hindi naman sa pagmamayabang, pero sabi nga nila, maganda na ako kahit walang make-up, pero nung nakita ko kung ‘finished product’, I was like, sino ‘to? Ako ba talaga ‘to? Bakit masyado yatang maganda? Charot lang. “Wow. In fairness, Lexi, hindi ko alam na mas maigaganda pa pala yung Ate ko. Akala ko, yun na yon eh. Pero mukhang hindi na s’ya pakakawalan ni Kitty kapag nakita n’ya yan. Iba eh, ar