CHARLIE “So?/So?” sabay naming sabi nung dalawa na lang kami sa kwarto. Napangiti naman s’ya kaya ngumiti din ako. Nakakahiya. Anong sasabihin ko? “Sige ikaw na muna./Ano yung sasabihin mo?” ugh! Sabay na naman. Ano na? Napakamot tuloy ako ng ulo at napatungo na para bang hiyang-hiya sa kanya. Hindi kaya mas tama na nandito dapat sila Klarisse? Para kasing mas hindi awkward kung may mga kasama kami. Kaso syempre, sa ngayon, mas kailangan na kaming dalawa lang. Ayoko naman na isipin n’ya na kailangan laging nandyan yung mga kaibigan ko kapag may seryoso kaming pag-uusapan. At saka mas okay na rin yung kaming dalawa lang para mas magkaintindihan kami. Para walang makikisali sa pag-uusapan namin. Well, kung makakapag-usap nga kami kasi nga tingnan n’yo o, lagi kaming sabay nagsasalita.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books