CHARLIE “Hi.” kumurap-kurap ako para makasiguradong hindi lang imahinasyon yung nakikita ko. Na totoong nandito si Kitty ngayon sa harap namin. Minsan kasi, nagde-daydream talaga ako. Yun bang iniimagine kong nasa harap ko yung tao kahit wala naman. Ilang beses ko kayang inimagine noon na nakakausap ko pa rin si Klarisse kahit nasa States na ako. Tapos malulungkot na lang ako dahil after ng ilang minuto, biglang mawawala na lang s’ya. At ayokong mangyari ‘yon ngayon. Bigla akong napangiwi nang maramdaman kong biglang kumurot sa tagiliran ko. Masakit, leche. Agad kong sinamaan ng tingin yung bwisit na gumawa non. At sino pa ba sa tingin n’yo? Isang tao lang naman dito yung mahilig manakit. “Masakit?” tanong pa n’ya. “Kung nasaktan ka, ibig sabihin hindi ka nananahimik at nasa harap m