CHARLIE “Aba himala, lumabas ka sa lungga mo. Gutom ka na no? Akala namin magpapakamongha ka na sa loob ng kwarto n’yo eh.” swerte nga naman. Akala ko walang tao dahil hindi maingay, yun pala, nandito ‘tong si Klarisse. Kung hindi lang talaga ako nagugutom, hindi naman ako lalabas eh. Luminga-linga pa ako para icheck kung may ibang tao pa. “Umalis yung iba, wag kang mag-alala, kung ayaw mong makita nila yung pagiging kulay berde mo dahil sa selos. Tumutulong sila dun sa bahay nila Mamshie para dun sa pa-fans eme ng Maybellenatics. Nagpaiwan na lang ako dahil alam kong paglabas mo dyan sa lungga mo, kakailanganin mo yung maganda at mabait mong best friend.” sabi pa n’ya nang mapansin n’yang patingin-tingin ako sa paligid. Hindi ko na lang s’ya pinansin at nagdere-derecho sa kusina. Sigur