CHARLIE “Mabuti, dumating ka na. Akala ko nakalimutan mong kailangan maaga ka ngayon. Pupuntahan na sana kita dun sa villa. Mukhang okay naman yung tulog mo dahil hindi ka mukhang inaantok, at yan yung kailangan ko ngayon.” bigla ko namang kinontrol yung paghikab ko dahil sa sinabing yon ni Tito Migs. Jusko, bakit kasi ganito kaaga? Kung plano n’ya akong pag-igibin at at pagpalakulin ng kahoy, sana mamaya-maya na lang diba? Mas okay kung hindi kulang yung tulog ko para mas may lakas ako kung saka-sakali ngang yun yung ipapagawa nya. Luh, o baka kaya wala pang araw n’ya akong pinapunta dito eh dahil ngayon na n’ya gagawin yung plano n’ya sa akin na pag-aalay? Pero hindi, sinabi n’yang bibigyan n’ya ako ng pagkakataon kaya safe naman siguro ako ngayon. “Magandang umaga po, Tito Migs.” na