Chapter 2

2198 Words
CHARLIE "Gosh! Sumakit yung ulo kakarant ni Klarisse. Samahan mo nga ako sa baba, Charlie, gusto kong kumain ng ice cream para mawala yung stress ko sa mga reklamo n'ya kanina!" natatawang sinundan ko naman si Jopay. May point naman s'ya, halos buong byahe yata namin pauwi, walang ginawa si Klarisse kundi magreklamo nang magreklamo. Tinulugan na nga lang s'ya nung asawa n'ya. Naglagay pa nga ng earphones para hindi n'ya marinig yung reklamo nung isa. Kahit naman siguro sanay na kami, minsan, nakakastress pa rin yung mga pinagsasabi n'ya lalo na kung pagod ka sa trabaho tapos ganon. "Parang hindi ka na nasanay sa isang 'yon. Mas malala nga s'ya noon diba? Hayaan mo na lang. Pasasaan ba at magsasawa din 'yon." nakangiting sabi ko sa kanya matapos kong iabot sa kanya yung flavor ng ice cream na gusto n'ya. "Okay lang naman sana sa akin, Charlie eh. Kaso, may ibinubulong sa akin si Charity non. Hindi ko masyadong naintindihan dahil sa ingay ng bestfriend mo." ayun naman pala. Naistorbo pala ni Klang yung lampungan nila nung jowa n'ya. Kaya naman pala G na G 'tong si Jopopay. "Eh di sana, pinatext mo na lang sa kanya para hindi na kayo nahirapan na magkarinigan." natatawang sabi ko sa kanya. "Alam mo, naniniwala na akong opposite attracts. Tingnan mo sila JT at Klang. Sobrang magkaiba sila. Masyadong mabait si JT and si Klang naman---" tumingin muna s'ya sa akin ng nakakaloko, bago nagsalita ulit. "Di ko na itutuloy. Baka makarating pa sa kanya yung sasabihin ko, malagot pa ako." sabi pa n'ya habang nakatingin pa rin sa akin. "Anong gusto mong palabasin? Na sinasabi ko sa kanya lahat?" naiiling na tanong ko sa kanya. "Bakit hindi ba?" balik tanong naman n'ya. Muli ay umiling ako. "Hindi lahat. Syempre, meron pa rin akong dapat sarilinin na lang. Hindi naman porke best friend ko s'ya, dapat alam na n'ya lahat. May tinatawag tayong privacy, Jops." sagot ko naman sa kanya. "Best friend lang ba talaga?" ayan na naman yung panunukso n'ya. Uulitin ko na naman bang may asawa na si Klarisse at kahit ilang beses nila kaming tuksuhin ni Mama, wala namang mangyayari. "Jops, tigilan n'yo na yan. May asawa na yung tao. May sarili na s'yang buhay. At hinding-hindi ko pinangarap na makasira ng isang masayang relasyon." "Kahit gusting-gusto mo yung tao at sa kanya ka lang sasaya?" Ngumiti ako ng malungkot sa kanya. Naalala ko na naman yung taong yon. Hay. "Oo. Hindi naman kasi yung happiness ko yung mahalaga. Yung sa kanya." nakangiting sagot ko. "Ang martir. Pero may point ka don. Sayang kasi, nauna kang nakilala ni Klang. Bakit hindi ba kayo nagkaroon ng love story? Nakikita ko na sobrang espesyal ka sa kanya. Parang hindi lang ako makapaniwala na hindi talaga s'ya nagkaroon ng something sa'yo noon. Ang hirap lang isipin kase. Maganda ka naman. Tapos sabi mo nga, ikaw naman yung naunang nagtapat. So I think, hindi takot sa rejection yung reason n'ya. Natatandaan mo ba kung ano?" tanong pa n'ya kaya natatawang tinalikuran ko na lang s'ya. "Nakalimutan ko na yon. Matulog na tayo dahil maaga pa taping n'yo bukas. Mamaya n'yan, mapagalitan ka na naman ng director n'yo." sabi ko pa bago tuluyang pumasok sa kwarto ko. Napangiti ako nang makahiga na ako sa kama. Kahit kailan, hindi ko makakalimutan kung papa'no nagsimula yung nararamdaman ko, at kung papa'no ko rin ito pinilit tapusin. FLASHBACK "Pwede ba, Miss, tigilan mo na yung kakasunod sa akin. Hindi ka ba nagsasawa? Wala ka rin namang napapala. Medyo nakakairita lang kasi na kung nasaan ako, nakikita kita. Oo, hindi mo ako kinakausap, or tinitingnan, pero alam kong sinusundan mo ako. Pwede bang tigilan mo na yung pag-iilusyon na papayag akong maging best friend mo? Hindi porke pinagtanggol ko yung kapatid mo, eh maoobsess ka na sa akin." napaikot naman yung mata ko nang marinig ko yung sinabi ni Klarisse. Masyado naman ata s'yang bilib sa sarili n'ya. Oo, sinusundan ko s'ya. Pero OA naman sa obsessed no! Hindi naman. Natutuwa lang ako na pagmasdan s'ya. Papa'no kasi, yung pinsan lang n'ya talaga yung kinakausap n'ya. Minsan ko nga lang s'ya makitang makipag-usap sa ibang tao, tinatarayan pa n'ya. Masyado lang ako naaamuse sa pagkatao n'ya. Pero hindi pa naman 'to obsession no. At isa pa, nakikita ko kasing kahit tinataasan n'ya ng kilay si Jops at yung mga kaibigan ng kapatid ko, pinagtatanggol pa rin n'ya sa mga bullies dito sa school. Sayang lang talaga at hindi kami magkaklase eh. "Excuse me? Sinong may sabi sa'yong sinusundan kita? Masyado ka naman yatang feelingera at assumera n'yan. Hindi ba pwedeng pareho lang tayo ng napupuntahan? Hindi naman sa'yo yung mga lugar dito diba? At saka, bakit naman kita susundan? Artista ka ba?" sagot ko sa pagtataray n'ya habang inilalagay yung tray ng pagkain ko mesa na ino-okupa n'ya. Nakataas ang kilay na tiningnan naman n'ya ako. "Puno na kasi yung iba. Eto na lang yung nakita kong bakante." pagdadahilan ko. Agad naman n'yang iginiya yung tingin n'ya sa paligid namin, at pagkatapos ay tumingin sa akin at tinaasan na naman ako ng kilay. Grabe naman talaga yung katarayan ng isang 'to. Pero hindi ko s'ya susukuan. "Ang boring kasing kumain na walang kasabay o kausap. Eh di ko naman close masyado yung ibang tao kaya dito na lang ako umupo. Wag ka nang magalit. Hayaan mo na lang ako dito. Promise, hindi ako masyadong maingay." sabay ngiti ko sa kanya. Naiiling na ibinalik na lang n'ya yung atensyon n'ya sa kinakain n'ya. "Luh, mahilig ka din pala sa cheese tart? Ako din o, pareho tayo. Alam mo bagay talaga tayong maging mag best---" agad kong itinigil yung pagsasalita ko nang sinamaan n'ya ako ng tingin. Nagpeace sign na lang ako sa kanya. Ba yan, wala talaga ba s'yang planong makipag-usap? Parang sinusubukan ko lang namang mag-open ng topic eh. Ang sungit talaga. Bahala nga s'ya sa buhay n'ya. Kakain na lang ako dito. Iisipin ko na lang, wala akong kasabay. Parang hangin lang din naman kasi 'tong isang 'to eh. "s**t!" napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kaharap ko. May ginawa na naman ba ako? "May problema?" tanong ko sa kanya. Umiling naman s'ya sa akin, pero halata pa rin yung pagiging aburido sa mukha n'ya. In fairness, mas lalo s'yang nagiging cute kapag nakakunot noo s'ya. Lintek Charlize, ano ba yang mga pinag-iiisip mo? High ka na naman ba? "Ano ngang problema mo? Malay mo matulungan kita. Wag kang mag-alala, hindi ko naman isusumbat sa'yo if ever na makatulong nga ako." sabi ko pa habang nakatingin pa rin sa kanya. Narinig kong nagbuntunghininga s'ya bago s'ya ulit magsalita. "Wala nga, okay lang talaga." sabi pa n'ya pero parang alam ko na kung ano yung problema n'ya. Kanina ko pa napansin 'yon eh. At dahil girl scout ako, ibinili ko na s'ya kanina pa. "O ayan." sabi ko sabay abot nung royal in can sa kanya. "Ano yan?" tanong n'ya, pero iba yung tingin n'ya dun sa soft drinks. Aba malamang, halatang uhaw na uhaw na s'ya eh. Subukan ba namang ubusin agad yung pagkain n'ya para lang makatakas na sa akin. "Wag ka nang umarte. Kunin mo na. Alam kong kailangan mo yan. Go na. Bago magbago yung isip ko at hayaan kitang mamatay sa uhaw dyan." at mukhang hindi na nakatiis yung bruha dahil nagmamadali n'yang ininom yung inabot ko sa kanya. "Dami pang arte, tatanggapin din naman pala." bulong ko pa bago ipagpatuloy yung pagkain. "Erm." ay papansin. Nagkunwari akong hindi s'ya narinig. "Ehem." cute. Papansin talaga. May pangalan naman kasi ako. Pwede n'ya akong tawagin don. Nagpakilala ako sa kanya nung unang beses na nagkita kami diba? "Miss." hindi talaga ako lilingon hangga't di n'ya ako tinatawag sa pangalan ko. Aba naman, ako nga, alam na alam ko yung pangalan n'ya, pati last name n'ya. Pati nga birthday at address n'ya alam ko na rin. Phone number na lang talaga yung kailangan ko eh. Nahihiya naman kasi akong itanong kay Maybelle dahil baka isipin nga nila, stalker ako nitong si Klarisse. Again, masyado akong maganda para maging stalker. "Uhm, Charlize." pinigilan kong hindi mapangiti nang marinig ko yung sinabi n'ya. Yun naman o, alam naman pala n'ya yung pangalan ko. Noon lang ako tumingin sa kanya. Sinigurado kong naka-pokerface lang ako habang nakatingin sa kanya. "Yes?" "Uh. Salamat." mahinang sabi n'ya. Shet, bakit ganito ka-cute 'tong babaeng 'to. "Sorry, ano ulit? Masyadong mahina eh. Di ako narinig." ang hirap magpigil ng ngiti. Juskoday. Nahihiyang tumingi s'ya ulit sa akin bago nagsalita. "Sabi ko, salamat." inulit naman n'ya nang mas malakas. Masunuring bata naman pala. "Ah yun ba? Wala yon. Nakita ko kasi kaninang di ka nakabili ng drinks, and kung babalik ka pa, masyadong malayo, kawawa ka naman, so yeah, ibinili na lang kita." pakaswal na sabi ko naman. Aba naman, dapat wala lang sa akin 'tong pag-uusap na 'to. Kahit ang totoo, naghahappy dance yung mga bulate ko sa tyan. Sa tagal ko ba naman kasing sinusundan 'tong babaeng 'to. Ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong kahabang pag-uusap. "Babayaran ko na lang. Iaabot ko na lang sa kapatid mo mamaya. Nasa bag ko rin yung wallet ko eh." nahihiya pa rin na sabi n'ya. Sino ba naman kasing hindi mahihiya don? Matapos mong sungit-sungitan, hihingi ka rin pala ng tulong sa kanya. "Kahit hindi na." Umiling naman s'ya. "Basta iaabot ko na lang mamaya." Nagkibit-balikat na lang ako. Wala din naman akong magagawa diba? Mukhang hindi naman s'ya papayag na magkaroon ng utang na loob sa akin. "Ikaw yung bahala." sabi ko na lang. "Bakit pala alam mo na royal yung favorite ko?" yes! Akala ko tapos na yung usapan namin don eh. Buti na lang, may panibagong topic s'yang binuksan. "Ah, yan kasi yung paborito ko." sabay nguso ko dun sa royal na nasa harap ko. Tumango-tango naman s'ya. "I see." "Bakit, akala mo alam ko dahil iniistalk kita? Di no! Nagkataon lang. Kung coke yung favorite ko, yun din yung bibilhin ko para sa'yo." palusot ko. Ang totoo n'yan, hindi ako mahilig sa softdrinks, eh kaso, naisip ko nga na baka magtanong s'ya, so ganito na lang din yung binili ko. Alam n'yo naman ako, advance mag-isip. "Wala naman akong sinabing ganon. Masyado ka namang defensive." sabi pa n'ya kaya mas inirapan ko s'ya. "Baka lang kasi mag-assume ka. Kanina kase, pinakita mo kung gaano ka ka-feelingera at assumera." ganti ko sa kanya. Tumango lang s'ya sa akin at pagkatapos ay tumayo. "Sige, salamat ulit. Pasensya na rin sa pagtataray ko nitong mga nakaraang araw sa'yo. Ayoko lang kasi talaga na may sumusunod sa akin. Pero sabi mo nga, hindi mo naman ako sinusundan, kaya pasensya na. Iaabot ko na lang kay Josephine yung bayad dito." sabi pa nya sabay talikod sa akin. Gusto ko sana s'yang pigilan dahil gusto ko pa s'yang makausap, pero hindi ko na lang ginawa. Ayoko namang magmukhang stalker n'ya talaga no! May ibang pagkakataon pa naman siguro para makausap ko s'ya. Hihintayin ko na lang yon. Ipagpapatuloy ko na sana yung pagkain ko nang bigla akong may narinig sa may gilid ko. "Alam kong hindi maganda yung way nang pagpapakilala ko sa'yo dun sa detention room, so ulitin na lang natin? Hi. Ako nga pala si Klarisse Lopez, yung family and friends ko, tinatawag nila akong Klang. And dahil sabi mo nga noon na best friends na tayo, pwede mo na rin akong tawagin na ganon. Pero sana, wag mo na lang munang ikakalat na best friend kita ha, magtataka kasi yung mga tao at baka isipin nila na nag-iilusyon ka lang. Alam kasi nilang allergic ako sa kaibigan eh. Pero para sa'yo, sige, susubukan ko." mahabang sabi n'ya habang nakangiti at iniaabot yung kamay n'ya sa akin. Biglang bumilis yung pintig ng puso ko nang makita ko yung mga ngiti n'ya. Shet, my precious! Parang wala sa sariling inabot ko yung kamay n'ya at ayun na naman yung kung anong pakiramdam na naramdaman ko nung unang beses na nangyari 'to. "Charlize Garcia. And you can call me 'mine', I mean, Charlie." fck! Ano yon? Narinig ko naman yung mahinang tawa n'ya kaya mas lalo akong nawala sa sarili ko. "Sige, if you're mine, then I'll be 'yours'." nakangiting pagsakay n'ya sa kashungahan ko. At bago pa s'ya tuluyang lumakad palayo, lumingon pa s'ya sa akin at kumindat. Okay. Kung wala sigurong ibang tao, malamang nagtitili na ako. Shet, ano yon? Bakit ganon yung naramdaman ko? Baka eto yung crush na sinasabi nila. Weird na sa babae ko 'to nararamdaman, pero okay lang. Normal lang naman na magkakacrush diba? Paghanga nga diba? Girl crush. Marami namang nakakaramdam ng ganon. At sobrang saya ko din dahil pumayag na s'yang maging kaibigan ko. At least, mas makikilala ko na s'ya. Mas makikilala ko na kung sino talaga si Klarisse Lopez. END OF FLASHBACK Kahit kailan talaga, hindi pwedeng hindi ako mapapangiti at makakaramdam ng kung anong kilig kapag naaalala ko yung eksenang 'yon. At tulad ng sabi ko kanina, kahit anong mangyari, hinding hindi ko 'yon makakalimutan. Hindi ko makakalimutan kung papa'no nagsimula yung nararamdaman ko para kay Klarisse. Para sa best friend ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD