“CONGRATULATIONS, Ate Summer!” tuwang-tuwa na salubong ni Mia kay Summer pagbaba niya ng entablado para tumanggap ng isa sa pinakamataas na parangal na iginagawad sa isang painter. Kasama niyang umakyat ang asawang si Mark Anthony at kanilang mga anak na sina Bryan at ang kambal na sina Autumn at Winter. Masayang niyakap ni Summer ang sister-in-law, “Thank you, Mia. ‘Buti naman at nakarating ka. Akala ko busy ka sa studies mo.” Totoong masaya si Summer para kay Mia dahil tuluyan na ngang gumaling ang sakit nito. Nag-aaral na ito ng college sa Hawaii, kasama ang mga magulang. “Pinilit ko po talaga si Mommy na pumunta, Ate Summer. At gustong-gusto rin naman niya. Hindi namin puwedeng ma-miss ang awarding mo dahil kami ang unang magpapa-autograph sa’yo.” “Autograph? Hindi naman ako celeb