“KUYA MARK, dumating na po pala si Ate Summer. Sabi na nga ba, babalik siya, eh!” Napakislot ang binata nang marinig niya ang sinabing iyon ni Mia. Nasa terrace ito ng silid niya at nagpapahangin. Kanina pa ito roon na ipinagtataka niya dahil may ganoong terrace din naman ang sariling silid nito. Ngayon na narinig na niya ang kapatid, naiintindihan na niya kung bakit. Inaabangan nito ang pagbabalik ng ex-fiancee niya… si Summer. Kunwaring walang narinig si Mark Anthony at nakahiga pa rin sa kama. Nakapatong ang isang braso niya sa noo at nakatitig sa kisame sa kabila ng madilim niyang paningin. Dalawang araw na lang, kasal na nila ni Rhaine. Ang totoo niyan, halos dalawang buwan na siyang tulala at hindi makausap nang maayos dahil palaging malalim ang iniisip niya. “Aw. Bakit may kas