AKALA ni Summer, pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Mark Anthony ay magiging masaya na siya uli. Ngunit habang tumatagal at bumabalik sa isip niya ang pagta-traidor na ginawa sa kapatid, unti-unti siyang kinakain ng konsensiya. Nang dahil sa konsensiyang iyon kaya natatakot na siyang mapag-isa sila ng asawa nito at baka masundan iyon. Akala ni Summer, kaya na niyang piliin ang sariling kaligayahan kaysa sa kapatid. Pero sa tuwing naiisiip niya na baka magbunga ang nangyaring iyon, natatakot siya na paano kung iyon ang sisira sa pagsasama nina Rhaine at Mark Anthony? Nang dahil sa takot na baka maulit ang nangyaring iyon kaya nagdesisyon ang dalaga na makitira muna kina Tita Aurora at Lola Margaret habang hinihintay ang pagbabalik ng kapatid. Wala ring tigil ang pagtawag niya sa cellpho