“RHAINE, ano ba ang sinasabi mo?” tila nakukulitan nang tanong ni Summer kay Rhaine nang ulitin nito ang sinabi sa kaniya kanina. Iniwan muna sila sila ng kanilang Tita Aurora para makapag-usap sila nang masinsinan. “I’m telling the truth, Ate Summer. Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang mahal ni Mark Anthony. For one-year na naging kami, naramdaman ko ‘yon,” mapait nitong saad. “Pero tiniis ko lang. Kasi I thought, magbabago din iyon kapag ginawa ko ang mga bagay na minahal niya sa’yo. Tulad ng pagiging mabait, malambing, maasikaso, mapagmahal. Kaya nga kahit mahirap, nagbago ako para sa kaniya, Ate. Tinalikuran ko ang dating buhay na meron ako, ang dating ako. Kasi gusto kong maging ikaw… para lang mahalin niya ako.” “No. That’s not true.” Iiling-iling na nilapitan ni Summer ang kakambal a