HULING GABI na ni Summer sa Batanes. Mamayang madaling araw ay aalis na siya pabalik ng Manila bago pa man sila magpang-abot ni Rhaine at magtaka si Mark Anthony kapag nakita sila. Bagaman at sinabi ng kakambal niya na huwag muna siyang umalis dahil may mahalaga raw itong sasabihin. Kung tutuusin, puwede naman siyang magtago sa bahay ng Tita Aurora niya at doon sila mag-usap. Hindi lang talaga siguro kaya ni Summer na humarap sa kapatid dahil guilty siya. “Parang ang lalim ng iniisip mo,” puna sa kaniya ni Mark Anthony habang magkatabi silang nakahiga sa kama nito. “May problema ba?” Marahang umiling ang dalaga. “Wala naman. Pero napapaisip ko na what if kayo ni… Ate Summer ang nagkatuluyan? Magiging masaya ka rin kaya?” hindi niya alam kung bakit bigla iyong lumabas sa bibig niya. Sig