ILANG beses kong napapansin na hindi okay si Mommy sa kay Jairus. Hindi niya na nga rin kinakausap. Akala ko noong una okay siya sa bata pero sa tuwing nagkakasama kami ay bakas sa mukha niya na wala siyang pakialam at umiismid kapag naririnig ang pangalan. I tried to talk to her about that kasi medyo naba-bother ako. "Hindi mo naman anak 'yon, Sofia. If you can deal with the situation. Ako hindi. Ayoko sa batang 'yon." She rolled her eyes. "Mom, wala ka nang magagawa kasi part na siya ng family. Just accept him kasi mahal din naman siya ng mga apo mo." Mommy groaned in disapproval. Tumayo siya na tila ba tinatapos niya na ang usapan. "It's not easy for me to accept the kid, Sofia. Axel disappointed us before and hanggang ngayon ganoon pa rin. Though I can see he's a good father to my