MAS lalong lumalim ang paghinga ko sa bawat paghagod niya. Nanatiling pikit ang mga mata ko pero gusto ko iyong nahahatid na init ng bawat hagod ng palad niya sa aking beywang. Posible kayang itong init na nararamdaman ko ay dahil sa sakit ko o dahil na-tu-turn on ako? "T-this... this is... not right," hirap na sabi ni Axel at napabuga pa sa hangin. Umungol ako at marahang hinawakan ang kamay niya para ibalik muli ang palad nito sa beywang ko. Gusto ko talaga ang hatid na init ng palad niya. "I... like it. I like your warm hands..." paungol kong sabi at sumiksik lalo pa sa kanya. Kaya lang tumatagaktak na ang pawis ko. Masakit ang lalamunan ko. Nahihirapan akong lumunok Bumigat ang paghinga lalo ni Axel. "Damn, Sofia. You're making this hard for me..." anas niya at nakagat ko ang i