INIWAN niya ako para asikasuhin ang mga bata. Nakatulugan ko nga iyong sama ng loob ko at nagising na lang dahil sa haplos sa aking ulo. Pagdilat ng mga mata ay mukha niya ang aking nabungaran. Malamlam ang mga mata ni Axel. Iniwas ko ang ulo para hindi niya na mahawakan iyon. He sighed. I looked at the wall clock and it's eight pm already. "You have to eat your dinner tapos matulog ka na lang ulit." Tumalikod ako ng higa. "Mauna ka na. Busog pa ko," ani ko. S'yempre sinong gaganahan na kumain sa ganitong sitwasyon? Baka sa susunod na araw may ibang bata na kaming kasama dito. He sighed again. "Let's talk about it if you want. Do you have something to say? Para malaman ko rin kung anong opinyon mo." Pinikit ko ang mga mata. Sinabi ko naman na kanina kaso nakinig ka ba? Gusto ko sana