I tried to focus on the movie. Kaya lang naiirita ako kasi mas malakas pa 'yong halakhak ng babae kaysa sa volume ng pinapanuod ko. Naririnig ko rin si Axel. I turned off my airpods. Naging malinaw tuloy sa akin lalo 'yong sinasabi ni Axel. "Well, my kitchen here is not yet complete." "Aw, okay. Na-excite lang ako kung gaano ka kagaling magluto." I rolled my eyes. Kung maarte ako, mas maarte ang isang ito. I would gladly transfer my title to her. Sa kanya na. Boses pa lang nakakairita na. I shutdown my laptop. Niligpit ko 'yong airpods ko at tumayo na. Walang tingin-tingin sa banda nila Axel. Desidido ako. The fact na hindi niya ako pinansin kahit na nagtagpo ang aming mata ay ibig sabihin niyon pinuputol na niya ang kung anumang friendship mayroon kaming dalawa. Friendship? Ngumuso