Chapter 3

974 Words
“Be my slave” Nagecho sa tenga ko ang sinabi niya at mukhang hindi nga ako nagkakamali dahil sersoso siya. “Ayy. Teka, Slave? Diba alipin yun? Edi magiging alipin ako?” “Yup” Totoo nga? Pero teka. “Eto ba ang sinasabi mong kabayaran ng pagtulong mo sakin? Ang pagiging Slave?” “Tingin mo?” Kabadtrip naman ‘to. Sayang ang gwapo kung ang ugali naman ay paloko-loko. “Ano? Papayag kana? TANDAAN MO. MALAKI ANG UTANG NA LOOB MO SA ‘KIN” Wow at talagang nilakasan niya pa ang pagkakabigkas sa may bandang  huli. Bakit ba kasi nangyayari to sakin, di ko naman inaasahan to. Bakit ba kasi nasabi ko kanina na malaki nga ang utang na loob ko sa kanya. Oo nga! Tama siya, malaki ang utang na loob ko, pero sa hinihingi niyang kapalit, alam ko na mahihirapan ako neto. “5 thousand a week” Wow Five thousand, pero “Ayoko nga” Sabi ko. Hindi ako bayaran no. Atsaka kahit kailan, hindi naman ako nanghingi ng pera o tulong ng kahit sino, pero eto, paghihirapan ko naman eh, pero ayoko parin. “10 thousand a week” “Ayoko nga sabi eh, hindi mo ko mapipilit diyan” Hindi ako mapipilit niyan no. kahit na mahirap makakuha ngayon ng pagkakakitaan, hindi parin dahil ayokong makatrabaho sa isang katulad  niya. Gwapo nga. Ang yabang naman. “20 thousand a week” Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. “Seryoso? Twenty thousand a week” Tanong ko. Nako. Malaki na ‘to, kung twenty thousand a week eh baka yumaman na ako ng di oras. “Yup. Ano? Papayag kana?” Tanong niya ulit. Ano nga ba? Papayag na ba ako? Binabawi ko na pala yung sinabi ko kanina na kung ano-ano. Sayang eh. Eto na talaga. “Yes” Sagot ko. Sige na. Mukha namang kakayanin ko ang mga ipapagawa o ipapautos sa akin. Kumuha siya ng papel at ballpen, may dala siya sa bulsa niya? Ready? AKO SI CYREL MADRIGAL NANGANGAKO NA MAGIGING ALIPIN/SLAVE NG GWAPONG GWAPONG SI JAMES GARCIA SA LOOB NG TATLONG BUWAN. BIBIGYANG RESPETO KO ANG AKING YOUNG MASTER ANO MAN ANG MANGYARI. INAAMIN KO RIN NA MASYADO AKONG NAGAGWAPUHAN SA YOUNG MASTER KO. BIBIGYAN AKO NG 20 THOUSAND A WEEK NG AKING POGING MASTER PARA SA AKING SWELDO. GAGAWIN KO ANG ANOMANG IPAPAGAWA SA AKIN NG AKING POGING MASTER. Signed by. Cyrel Madrigal James Garcia Binasa ko yun sinusulat niya. Loko-loko to ah. Gwapo daw siya. Oo! Tama siya, pero abuso siya eh, ang yabang niya! Akala naman niya kung sino siya, porket gwapo inaabuso na? Nako! “Pipirmahan mo ba o hindi?” “Oo na! Akin na yung ballpen!” Sabi ko sabay abot ng ballpen! Karindi, kung hindi lang niya ako niligtas malamag ay wala na ako kaya tiis nalang muna ako! Pinirmahan ko na yung pinagmamalaki niyang papeles pero may naalala ako. “Teka. Bakit mo naman nasabi na girlfriend mo ko? Eh kahit kailan hindi pa tayo nag-uusap, atsaka ikaw magiging boyfriend ko? Yuck! Hindi kita masikmura! Kasuka ka” Sabi ko. Naalala ko kasi yung sinabi niya kanina dun sa mga mababahong lalaki. Girlfriend niya ako? Eww. Sabi ko nga diba. Na turn off ako gawa sa ugali niya kaya ayoko! Past na muna ang beauty ko. “Feeling mo naman? Sa gwapo kong to? Akala mo papatulan kita? In your dreams” Ang yabang talaga! Nakakainis! “Sus! Ang hangin dito” “Ano?” “Wala” “Sige na! Umuwi ka na sa inyo, Magkita tayo sa school bukas, may papagawa ako sa ‘yo. Ingat ka! Tanga ka pa naman” Nakakapang init talaga to ng ulo! Ang yabang! Akala mo naman napakatalino niya! “Oo na!” Makikita ko rin naman siya bukas, Section B siya eh, magkalapit lang kami ng room. Umalis na ako, ayoko ng magtagal sa ganung lugar, baka kung ano nanaman ang sabihing kayabangan ngjames na ‘yon. Nakauwi naman ako ng maayos, Napabuntong hininga nalang ako, nakakapagod ‘tong araw na ‘to ah. Kumain na muna ako pagkatapos ay ginawa ko na ang mga homework ko, kailangan kong magpakasipag para maimaintain ko ang grade ko. Masyado naman masipag ang teacher ko. First day na first day eh nagpa assignment agad. Pagkatapos kong gawin yung assignment ay nahiga na rin ako. Sobra ang pagod ko.     Nandito ako ngayon papasok sa may gate ng school. Aba, nakakapagtaka ang ganitong senaryo, nakita ko ang maraming fan girls na nakapila sa daan at mukhang tuwang-tuwa na NAKATINGIN SAKIN? 0.O Teka. Sa pagkakaalam ko, Wala naman akong dumi sa mukha, sinugurado ko pa ngang malinis kahit papaano ang mukha ko bago umalis. Oh? Akala ko ba masay sila? Bakit nagpalit agad ng ekspresyon ang mga mukha nila? Mukhang papatay eh? Napatalon ako sa gulat ng may mabigat na bagay ang naramdaman ko sa kaliwang balikat ko. Ano to?? BAG? Paglingon ko. “AAAAHHHHHHHHHHHH” Nagulat lang naman ako sa nakita ko, ay hindi pala, nabadtrip lang naman ako sa nakita ko, pampasira ng umaga. Etong si james. Nilagay ang napakabigat na bagay niya sa balikat ko? Ano bang laman nito? Bakal na yata eh. “Anong gagawin ko sa bag mo? Hindi mo ba kayang buhatin? Sa laki ng katawan mong yan? Wag mo sabihing hindi mo kayang buhatin?” Mabuti nalang at wala akong nailagay na mabigat masyado sa bag ko para atleast kahit papaano ay mabuhat ko ng full force ang sinasapiang bag ng unggoy na si james. “Slave kita diba?” Bulong niya na mas lalong ikinagalit ng mga fangirls niya na nandito. Ramdam ko, Ramdam ko anumang oras ay malalagasan ako ng buhok sa pagbabanta ng mga mukha nila. “Oo na. Eto na po.. Young master” “Yun naman pala eh” “Bwiset” Bulong ko “May sinasabi ka?” “Wala” Buti naman at hindi niya narinig ng todo ang sinasabi ko, baka may magawa sa akin ‘to ng di oras eh. “Dalhin mo yan sa room ko” “Oo na!” Sabi ko sabay alis na. Ramdam ko parin na maraming nakatingin sa akin, kung nakakapatay lang ang masamang titig ay malamang namatay na ako. Bwiset na james kasi yun! Napakabigat ng bag niya. Ilang floor pa ang kailangan kong akyatin para mailagay ko ‘tong bag niya sa room niya. Nandito na ako sa may bandang 4th floor, malapit na yata akong himatayin sa bigat ng dala ko. Para akong pinaparusahan nito. “Miss. Tulungan na kita”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD