KABANATA 2

1318 Words
HALOS umabot sa tainga ni Logan ang ngiti habang minamaneho ang sasakyan patungo sa lugar kung saan sila unang nagkakilala ni Lauren. They first met in a Sampaloc Lake. It's located in San Pablo City, Laguna. Kaya bumiyahe pa siya patungo sa Laguna mula Manila para sorpresahin ang mapapangasawa niya. Bukas ay kaarawan ni Lauren that's why he wants to surprise her. Ang gusto nga nito'y isabay na ang birthday nito sa kasal nila. Hindi naman sa hindi siya pumayag, ang gusto lang talaga ni Logan ay maganap sa mismong araw ang kaarawan nito. Naalala niya kung paano sila nagkakilala ni Lauren. May business meeting siya sa Laguna noon at t-in-our siya ng ka-meeting niya sa Sampaloc Lake na isa sa mga pinakamalaking lawa sa San Pablo. Habang naglalakad, isang babae ang bumangga sa kaniya. Si Lauren ito na galit pa sa kaniya dahil sinisi siya nito na hindi raw siya tumitingin sa dinadaanan. Tinanggap ni Logan iyon kahit ang totoo ay nasa tabi naman sila. And their love story started there. Araw-araw bumibiyahe si Logan makita lang si Lauren. Nagkapalagayan sila ng loob hanggang sa maging sila na. He thought Lauren is such a crazy woman, but he was wrong. Nang makilala niya ito nang husto, doon niya nalaman na mabait pala talaga ito na lalong nagpahulog sa kaniya sa babae. Kaya nga noon, sinabi niya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat hindi lang maagaw ng iba ang mahal niya. Nang tumagal ang pagmamahalan nila, nag-propose na siya kay Lauren. Until now, hindi pa rin nagsi-sink in sa utak niya na sinagot siya nito. Lauren is his precious property and he won't waste those times they have spent together. Si Lauren lang ang tangi niyang mahal. Sunod-sunod siyang napailing at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Ngunit bigla niyang napansin na paubos na ang gas niya kaya mas minabuti niya munang magpagasolina. Sakto namang malapit na siya sa isang gasolinahan kaya tinungo niya iyon. Nang makarating, hininto niya ang sasakyan at nagpa-gas. Habang hinihintay na matapos, bumaba muna si Logan, at nagtungo sa convenience store na katabi lang ng gasolinahan dahil nakaramdam siya ng uhaw. Saktong paglabas niya ay nag-ring naman ang cellphone niya. Nagtataka niyang kinuha iyon sa bulsa at tiningnan ang tumatawag. Laking tuwa na lang ni Logan nang mapagsino ito. "Lucas, thank God you called me. So, where are you now?" "The hell, Logan. I already exited in the airport." "I forgot. Gusto mong tawagan ko muna si Manong Lito para ipasundo k—" "No need. Magga-grab na lang ako." "Ganoon ba?" "Yup! By the way, where are you?" "Papunta ako sa Laguna, I wanna surprise my soon-to-be wife. Birthday niya kasi bukas." Lucas chuckled. "Sana all busy, no? Saan ba ako tutuloy? Sa bahay o sa hotel muna?" "It's special, Lucas. Mas maiging sa hotel muna. Remember, I wanna surprise Lauren that I have a twin. For sure, magugulat iyon." "Fine! Sige na, tatawagan na lang kita ulit mamaya. Nandito na 'yong grab." Hindi na siya nakasagot dahil pinatay na ni Lucas ang tawag. Hindi na siya nagulat sa inakto nito. Ganoon si Lucas, ganoon na ganoon ang kambal niya. Galing pa itong America dahil kasal nga nila ni Lauren sa isang linggo. Tama, may kambal siya. They are indentical twins. Ipinagkaiba lang nilang dalawa ni Lucas ay ugali. He decided to surprise Lauren sa mismong araw ng kasal nila. Ever since, wala itong kaalam-alam na may kambal siya, na hindi lang siya ang nag-iisang mukha sa mundo kundi mayroon pang isa. Magugulat iyon dahil kahapon, tinanong siya nito kung may kapatid ba siya o kambal. He lied kahit ang totoo ay meron naman. Muli na namang napailing si Logan at tinungo na ang kotse. Nagbayad muna siya bago sumakay sa kotse at pinaandar iyon na may ngiti sa mga labi. Excited na excited na siya sa gagawin niyang sorpresa kay Lauren. Pinagpapawisan siya ng malamig sa hindi niya malamang dahilan. Nilalamig din ang mga kamay niya. Mayamaya pa ay nakita niyang naging pula ang ilaw sa traffic light kaya huminto siya. Ngunit ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang hindi gumana ang breaker ng sasakyan niya. Ginawa ni Logan ang lahat maihinto lang ang kotse ngunit hindi siya nagtagumpay. Niliko niya ang sasakyan para maiwasan ang mga sasakyan pero halos mahulog ang mga mata niya nang makitang papalapit na siya sa pedestrian lane na kung saan ay may mga taong dumadaan. Imbes na idiretso, niliko niya ang sasakyan at hinayaang mabangga iyon sa poste. Dahil sa lakas nang pagbangga ng sasakyan sa poste, humampas si Logan sa unahan ng sasakyan at naipit pa ang mga binti niya sa unahana. Nanghina si Logan. Gusto niyang imulat ang mga mata ngunit hindi niya nagawa. Gusto niyang igalaw ang katawan pero maski iyon, hindi rin niya magawa. Sinubukan niyang humingi ng tulong pero walang lumalabas na boses sa kaniyang lalamunan. Isang kataga ang lumabas sa bibig niya bago siya tuluyang mawalan ng malay. Ang pangalan ng mapapangasawa niya. "LOGAN! Wake up! Wake up, Logan. Lauren is waiting for you. Magpakalakas ka. Huwag kang matulog, please, Logan. I'm begging you. May naghihintay pa sa iyo. Please, nagmamakaawa ako, Logan..." Hindi na mapigilan ni Lucas ang maiyak habang dinadala si Logan sa emergency room. Hindi tumugon sa kaniya ang kambal. Hindi man lang ito makapagsabi ng kahit isang salita. "Alam kong gising ka pa kaya nagmamakaawa ako, Logan. Umimik ka, pleas—" "S-Si L-Laur-ren, b-bro..." nauutal at hinang-hinang wika nito. "Hinihintay ka na ni—" "H-Huwag m-mong ipaal-lam i-itong n-na-ngy-yari sa ak-akin..." "What? W-What do you mean?" "B-Bro, c-can I have a favor?" "Ano iyon, Logan? You're strong. Don't think negative. Ikakasal ka p—" "P-Pret-tend a-as m-me..." "What? I don't unders—" "Magpanggap ka bilang ako, bro. Magpanggap ka bilang Logan. Huwag na huwag mong ipapaalam kay Lauren ang nangyari sa akin. Mahal na mahal ko siya..." Bumagsak ang ilang butil ng luha sa mga mata ng kambal. "I-Ingatan mo siya, b-bro. Ingatan mo ang mahal k—" "Sir., hanggang dito na lang po kayo." Gustuhin man niyang makapasok sa loob ng emergency room pero bawal talaga. Hagulgol na si Lucas habang pinagmamasdan si Logan na nire-revive ng doktor sa loob. Napasuntok si Lucas sa pader at hindi alam ang gagawin. Pabalik-balik lang siya. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto ng ER at lumabas doon ang doktor. "Kumusta ang kambal ko, doc?" ninenerbyos niyang tanong. "I'm so sorry. We tried our best maisalba ang buhay niya pero hindi na talaga kinaya ng pasyente. Maraming dugo ang nawala sa kan—" "No! No! It can't be!" Tinakbo niya ang kinaroroonan ng kambal at natigilan siya nang makitang wala na itong buhay. Natuod si Lucas sa kinatatayuan. Lalo pa siyang napahagulgol. Dahan-dahan niyang nilapitan ang kambal at hindi makapaniwalang tiningnan ito mula ulo hanggang paa. "Why, Logan? Why?!" sigaw niya, hindi alintana ang mga tao sa paligid. "Ikakasal ka pa, Logan. Ikakasal ka pa kay Lauren. Please, wake up. Gumising ka, Logan. Nagmamakaawa ako. Maraming naghihintay sa iyo..." dagdag niya pa saka niyakap si Logan na ni isang salita'y hindi siya sinasagot. Napakasakit. Ilang taon silang nagkalayo tapos ito pa ang mangyayari. Wala ng mas isasakit pa ito. It's a nightmare for him. Gusto ni Logan na magpanggap siya bilang ito. Ayaw man ng puso niya pero gagawin pa rin niya. Magpapanggap siyang siya si Logan at magpapanggap siyang siya ang mapapangasawa ni Lauren. Hindi niya ito bibiguin. Hindi niya ibabasura ang mga sinabi ni Logan sa kaniya. From now on, siya na si Logan. Mayamaya pa ay nakarating na ang mommy nila. Kung anong reaksyon ni Lucas, ganoon din ang reaksyon nito. Hindi makapaniwala ang ina niya na wala na ang kambal niya. Lahat ng sinabi ni Logan, gagawin ni Lucas. Hinding-hindi niya ipapaalam kay Lauren kailanman na wala na ang totoong Logan bilang respeto na rin dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD