Nagsimula ng magtrabaho si Maya sa internet cafe nina Daniel. Higit na mas magaan ang trabaho niya ngayon kung ikukumpura doon sa eatery. Hindi na niya kailangan gumising ng madaling araw sapagkat alas otso ng umaga binubuksan ang internet cafe. At alas nueve naman ang closing pero minsan ay nag-e-extend siya ng isa o dalawang oras kapag maraming customer. Isang buwan pa lang siya doon ngunit nakapag-adjust na ang katawan. Paano kasi, hindi naman nakakapagod ang trabaho niya. Buong araw lang siyang nakaupo doon. Ino-orasan ang mga nag-co-computer na madalas ay mga teenager na nagpupustahan sa nilalarong online games. Pakiramdam nga niya ay nagkaroon siya ng panibagong tahanan sapagkat ang mga suki ng internet cafe ay hindi siya tinitingnan na may kapanasanan. Madali niyang nagkapalayagan

