INTRO II: SECONDO (Helena)

2082 Words
Tita Morgan started to train me when I turn at the age of fifteen. At ang training na ito ay hindi lang basta training para handain ako sa pagtungtong ko ng edad na disiotso. Walang nakakaalam nito kundi ako lang at si Tita Morgan. Not even my mom na best friend n'ya at itinuturing na niyang parang isang kapatid. This is a choice na kahit mahirap ay pinili ko, matupad lang ang pangarap ko, makamtan ko lang ang kapangyarihan na hinahangad ko. I need to be powerful. For my mother. Sawang-sawa na akong maging weak at sa pang bu-bully sa akin lalo na ng mga taong kaedaran ko. I don't care if I will have to be inhumane, manipulative, cruel or heartless, basta ba marating ko lang ang pangarap ko — to have power. Lots of it. And Mistress Morgan Annesley is just exactly what I needed para marating ko at makuha ko ang mga gusto ko. Ayaw niyang magpatawag ng Master, kaya Mistress na lang daw ang itatawag ko sa kanya, lalo na kapag kami lang dalawa. Morgan Annesley is not just a normal person like everybody else. She has a powerful position in a very classified organisation called the Trinity. Isiniwalat n'ya lahat ng kailangan kong malaman noong pagtungtong ko sa edad na trese. I still can remember when I was 10 years old, noong sinabi niyang may isang bagay na alam niyang hindi ko pa nalalaman at ang ibig pala niyang sabihin do'n ay may nakikita siyang potensyal sa akin para sumunod sa yapak n'ya. Kaya ti-ne-train ako nito ngayon dahil gusto n'ya na ako ang magiging kapalit n'ya sa kanyang posisyon. When I learned about her plans and Trinity, I got so fascinated that I started idolising her. Nang dahil sa kundisyon ko, wala na akong pakialam sa kung anong magiging kahihinatnan ng buhay ko, basta ba matupad ko lang ang kagustuhan ko na mabigay ang buhay na deserve ng mga taong mahal ko. And I have to do what I can in this world while I'm still alive. Life is too short. I need to make the most out of it. Kahit hindi na para sa akin, para sa mga taong mahal ko at sa mga taong nangangailangan nito. If I'm helpless because of my incurable condition, then I will be the source of the help of others when they need it the most. Paglabas ko ng school na hawak ang aking mga test papers na halos perfect lahat, napangisi ako sa loob-loob ko habang naglalakad patungo sa service na binigay sa akin ni Mistress Morgan. Sigurado ako na matutuwa iyon sa aking nakuhang mga marka. Pagdating na pagdating ko sa aming training quarters, ipinakita ko sa kanya ang mga papeles na hawak ko. But her face remains stoic and emotionless as she looked at my exam papers. "Hmm. Not good enough. You need to be perfect," she said. I scoff. "Mistress, sinadya ko talagang magkamali sa ibang mga question diyan. Nagbobobobohan nga ako sa ibang equations and scientific formula diyan para hindi nila mahalata ang pagiging gifted ng utak ko. At para bigyan na rin ba ng chance ang iba." Kibit balikat kong paliwanag. Mayabang na kung mayabang pero nagsasabi lang ako ng totoo and Mistress Morgan knows that of all people. Pinakatitigan ako nito sa mata kaya umayos ako ng upo. Alam ko na ang meaning ng tingin niyang ito. It means that she's dead serious and she doesn't tolerate bullshits. "I understand your point, Helena. But if you want the power that you really want, then makinig ka sa akin and when I say kulang pa, you need to be more." I rolled my eyes at her as I shook my head in disbelief. "You know I don't get you. Bakit mo pa ako pinag-aaral sa ekwelahang iyon kung pwede mo namang ituro sa akin ang lahat ng nalalaman mo? I don't see your point you know?" She glared at me sharply. "You want to see my point? Right, c'mon." Kinaladkad ako nito palabas ng headquarters namin na dala ang bag niya. Paglabas na paglabas namin sa busy highway ng New York dito sa US, hinapit n'ya ako sa bewang n'ya saka nito inilabas ang baril n'ya sa kaniyang bag at walang alinlangan niyang pinagbabaril ang mga sasakyang dumadaan. She didn't harm them though because she only shot the hood of the car. Pero nag-cause naman ito ng minimal accident dahil nagkabungo-bunguan ang mga sasakyan. Nagtingin-tingin ito sa paligid at mabigat ang hiningang bumaba ito para magka-eye level na lang kami. "Is that what you want? To be reckless like that? Then you'll be dead in 5 years." Mariing paliwanag nito. "I can only teach you some life lessons, but I can't teach you all the things that you will learn in school. In there, you get to learn how people think, how they interact, their feelings, and such. You need to be out there to learn whether you like it or not and in order to get what you want, you also need to learn how to wait. In life, there is no easy shortcut. You need to learn in a very hard way for you to get up there. Now choose, Helena." Nilahad n'ya ang baril na ginamit niya kanina at ang bag n'ya. "Choose your path. I'll teach you how to be a killer or you're gonna suck it and learn from school as planned? Choose!" Nanghahamong saad nito. She even provokingly raised her eyebrow. Umalingasaw na ang tunog ng siren ng mga police na papalapit nang papalapit sa gawi namin. I know, if I didn't choose yet, Mistress Morgan will get into trouble. At kapag nangyari 'yon, mawawala na lang lahat ng parang bula ang mga pinaghirapan ko at lalo na, baka hindi ko rin maabot ang mga pangarap ko. Kaya naman kahit nagngingitngit ako sa inis, I grab her bag and walk back to our headquarters without looking back at her. Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko itong nagsabi ng, "Good." *** Kagaya ng napag-usapan namin ni Mistress at ng plano nito, for the past two years of training under Mistress Morgan, sinunod ko ang lahat ng utos nito at tinupad ko ang order niyang mag-stay ako sa top. Since gifted nga ako at magaling ako sa halos lahat ng larangan, at the age of 17, unti-unti na akong na-re-recognize lalo na sa larangan ng math at science, kaya kahit nasa high school pa lang talaga ako, the higher committee in education accelerates me to College. And my mom is so freaking proud of me and so with Mistress Morgan; kahit pa hindi n'ya iyon pinapahalata. I smirk to that thought. Malapit na. Kaunti na lang makakamtan ko rin ang pinaka aasam-asam ko. On my first day of College, Mistress Morgan called for a meeting na kaagad kong in-attend-an. Well, she quoted to her text to me that, 'It's urgent.' kaya naman wala na akong sinayang pa na oras. "Sit down, Helena." utos nito pagdating na pagdating ko sa headquarters namin. I sat at the chair beside her wide table. "I want to congratulate you on your achievement today, Helena. I want to tell you that I'm proud of what you become. But..." she sighs heavily as she massages her temple. Napakunot noo naman ako at naghintay sa sasabihin pa nito. "But as much as I hate to break this to you, this is still not enough. You need to work even harder. Now that you're in college." Hmm. I have a feeling now of what's going on. "You need me to finish College as early as possible, don't you?" I guess without feeling any disappointment. Tumango lang si Mistress Morgan. "There's a reason why though. And I know when you learn about what I'm going to tell you now, you will go to the end of Earth just so you can finish College as early as you can," she smirked. "Tell me about what?" I asked with one eyebrow raised. Intrigued. Her smirk never falters. "About your half-sister named Hedda." Parang yumanig ang mundo ko nang marinig iyon. Fuck! "I have another sister?" Mistress Morgan nods her head. "Yes, and she's on that island right now." My eyes grew wider in terror. Another fuck! Mistress Morgan told me about that evil island before. Kaya nga ako ti-ne-train nito ngayon nang dahil do'n. At kaya ako pumayag in the first place nang dahil sa gusto ko ngang makatulong sa mga babaeng in-a-abduct ng organisasyong Los Zetos na mortal na kalaban ng Trinity; ang organization naman na kinabibilangan ni Mistress Morgan. Ang organisasyong pinapangarap kong pasukin dahil sa hangarin kong makamtan ang kapangyarihan at posisyon ni Mistress Morgan. Noong una pa, pinatanggap na sa akin ni Mistress Morgan na balang-araw ay ako naman ang ta-targetin ng Los Zetos na kunin, doon ko rin naintindihan ang kagustuhan ni Mistress Morgan noon na mag-stay ako sa top ng klase because it turns out na ang in-a-abduct lang ng mga Los Zetos ay ang mga kababaihan na gifted sa utak. I remembered asking Mistress Morgan as to why they only abducted women, it's because women are the weakest gender. Hence they can't overpower them. Well, that's what they think. Kaya ginawa ang Trinity ay dahil sa kanila. At halos lahat ng miyembro ng Trinity ay survivor sa isla kung saan nila dinadala at pinapakinabangan ang mga babaeng in-a-abduct nila. And someday, I will become like them, to spy on them, to learn their ways, and to help other women to escape. That's the initial plan. Pero ang malaman na may kapatid pa pala ako at nasa isla pa na 'yon, hindi ko rin mapigilan na maisip na si Mistress Morgan din ang naging dahilan para mapunta ito roon. Kahit galit na galit ako ngayon, pilit ko pa rin itong tinatago hanggang sa makakaya ko. I need to control my feelings even if how much I want to strangle her right now. Itinapon nito ang isang brown envelope sa itaas ng table n'ya na naglalaman ng impormasyon tungkol sa kapatid ko at may mga larawan din s'ya rito. Nahigit ang hininga ko at napalunok nang mariin nang makita ang mga larawan nito. Hindi ko nga maitatanggi na magkapatid nga kami dahil magka mukha kami. At mas lalong kinompirma iyon ng DNA test. It's confirmed. Kapatid ko nga ito sa Ama. I sigh as I put down the pictures. "Are you the one responsible for why she is in that island?" "Yes," walang alinlangan nitong sagot. Napapikit ako nang mariin. "Why?" She took a long breath before she looked boringly at my blue-green orbs. "Matagal na itong plano ng Trinity. To have not just one but two spy inside the Los Zetos' den. Naisip ng mga elders na hindi kakayanin ng isang spy lang ang Los Zetos, lalo na ang tumulong pa na mapalabas ang ibang hostages ng mga ito, siguradong makakatunog sila. Kaya naman inutusan ako na i-train ang kagaya ng ginawa ko kay Hedda. And you're just the perfect candidate to fill up the space. And to be honest, nakikita ko rin ang sarili ko sa 'yo kaya mas naging determinado akong i-train ka." I don't want to hear any of this. Kaya pabalang akong tumayo with a flaming determination in my eyes. "Fine. Consider it done. I will finish it in two years. Mark my words." That's all I said before I walked out of her office. Pagpasok ko sa aking silid, doon ko na pinakawalan ang sigaw na kanina ko pa gustong gawin. "Fuck!" I screamed at the top of my lungs saka pinagbabasag ang mga gamit na makita ko. Nang magsawa ay pabagsak akong naupo sa edge ng kama ko saka mariing kinagat ang kamao ko, wala na akong pakialam kung masugatan man ako. That's the least of my concern right now. Damn it! I feel like I've been played and betrayed! Fuck! Mabilis ang paghinga kong tinitigan nang masama ang punching bag stand dito sa silid ko at saka ito pinaulanan nang malalakas na suntok. Maybe now I'm still powerless and it fucking sucks that I can't do anything right now other than freaking wait but I promise myself that I will get there someday and get my sister out. Hindi ako titigil at wala kung sino man ang makakapigil sa akin! With one last powerful punch on the punching bag, napansin ko na lang na dumudugo na ang mga kamao ko. "Fuck this shit." To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD