BIGLANG lumakas ang buhos ng ulan ng makasakay si Alice sa taxi. Kanina lang ay napakaganda pa ng panahon, hindi niya aakalain na bigpa na lang uulan at malakas pa. NAG-TAXI na lang siya dahil kanina pa siya naghihintay ng jeep pero wala ng dumadaan. Tinanggihan niya kasi ang alok ni Kleint na sunduin siya ng mga bodyguards nito. Nasa harapan na siya ng gate pero hindi pa rin tumitigil ang ulan. Mas lalo pa nga itong lumakas. "Ang malas naman!" kumakamot sa ulo na sabi niya bago binuksan ang taxi. "Paano 'yan, ma'am? Mababasa kayo ng ulan." biglang pag-aalala ng taxi driver "Kaya nga po eh! Pero ayos lang. Sige po manong, maraming salamat po." paalam niya. Wala siyang nagagawa kun 'di ang lumabas kahit malakas ang ulan. Sa klase ng ulan ngayon ay tila wala itong balak na tumigil