Desperada na si Missy makahanap ng butas para magkahiwalay si Alice at Kleinton. Kaya kahit sa pagsunod kay Alice ay ginawa niya na maibalik niya lang sa kaniya si Kleinton. Habang nakikinig sa usapan ni Alice at ang lalaking hindi niya kilala ay nagawa niyang e-record ang sinabi ni Alice nang madulas sa kamay niya ang kaniyang phone at tuluyan na nga itong nahulog. Hindi na rin siya nakatago pa kaya tuluyan siyang nakita ni Alice. Nilagok niya ang isang basong wine pagkatapos niya itong alug-alugin. Nasa mini bar sila ng kaniyang condo kasama ang kaniyang bestfriend. "Anong dapat kong gawin para magalit si Kleint kay Alice?" nalalasing na tanong niya sa kaniyang bestfriend. Umiling-iling ang kaniyang bestfriend habang pinagmamasdan siyang nalalasing na. "Alam mo, sissy, hi