"Thanks for the food and flowers, Kleint." kaagad na sabi ni Missy nang makalapit sa kanilang pwesto magkakaibigan. Maaga niyang iniwan si Alice sa kanilang room. Hindi pa ito nagigising ng iniwan niya ito. Siguradong sa mga oras na ito ay gising na ito at hinahanap na siya. Nagpalinga-linga siya sa paligid na baka ano man oras ay bigla na lang susulpot si Alice sa kaniyang harapan. Gano'n din si Missy. Nagpalinga-linga sa paligid. "May hinahanap ka ba?" tanong ni Missy sa kaniya. Umiling-iling siya dito. Nakasuot lang si Missy ng manipis na blue rob at sa ilalim nito ay ang blue din na two piece. Siniko naman siya ni Dj. Habang si Kyle abala sa iba pa nitong mga bisita. "Alam ba niya na may asawa ka na?" biglang bulong sa kaniya ni Dj. Umiling-iling naman siya. Hindi pa alam