ALICE DE RUSI HINDI NATULOY ang plano ni Kleint na mag-hiking dahil sa emergency mula sa kanilang kompanya. Kailangan daw siya sa kanilang kompanya. Hindi na ako nagtanong pa kung anong nangyari. Kasama niya akong umuwi pero hindi ako sumama sa kaniya sa mansion. Umuwi ako sa bahay at nadatnan ko ang triplets nag-movie marathon sa sala habang food trip pa ang mga ito. Buong sala yata ang kalat at umabot pa nga sa kusina. Hindi nila ako pinansin? Anong meron? Bakit nakakapanibago naman yata. Bakit 'di man lang nila ako kinakausap simula pa kanina ng makauwi ako. Nakakapanibago lang dahil kapag umuuwi ako ng bahay. Hindi nawawala ang mga tanong na mula sa kanila. Dahil nagutom ako. Hinalungkat ko ang laman ng ref. Anong ulam? Napalingon ako nang may marinig na yapak papunta s