Chapter 113 Nagising ako na sobrang init na init. Bukas naman ang aircon, manipis lang din ang suot kong damit. Nang sipatin ko ang oras ay nakita kong 2:45 am pa lang. Sinulyapan ko si Colton na bahagya pang naghihilik. Niyugyog ko ito. Dalawang beses bago ito napabalikwas nang bangon. "Bakit?" antok na tanong nito. Pupungas-pungas pa ang lalaki. "Hindi ko alam. Parang ang init." "What do you mean? Lucinda, sobrang lamig kaya." Antok ang tinig na ani nito. Humiga ulit siya at kinabig ako para umunan sa braso n'ya. Yumakap naman agad ako rito. Tumitig ako sa kisame. "Nagising lang ako tapos hindi ko alam kung bakit init na init ako." "Oh, bakit parang iiyak ka na d'yan?" anj ni Colton. "Hindi ko alam. Pinapaiyak mo ako, eh!" napaawang ang labi ni Colton sa sinabi ko. Para i

