Chapter Eighty-nine "Sa tingin mo ba ay naniwala iyong babaeng matagal mo nang mahal na magpapakasal talaga tayo?" tanong ni Claire habang nakatambay kami rito sa kubo. Katatapos lang naming magdilig nito kaya naupo muna kami rito. "I don't know." Tugon ko na ang tingin ay na kay Coby na abala sa paglalaro ng aso n'ya. "Ang ganda n'ya. Hindi mo naman sinabi na gano'n kaganda iyong nais mong kalimutan." She's Claire, iyong babaeng pagkatapos kong angkinin ay siningil ako. Kaya rin nagkaroon ako ng idea na bayaran ito para magpanggap na mapapangasawa ko. Gusto ko lang ding pagtakpan itong nararamdaman ko kay Lucinda. Lalo't bumalik na sa buhay nito si Governor Andreras. "Sana man lang ay nakapaghanda ako." Maganda naman si Claire. Sadyang kakaiba lang din ito mag-ayos. Siguro'y dahil sa

