Chapter Eighty-seven Tulog na si Coby. Nasa kwarto na ito't naghihilik. Habang ang mga kapitbahay namin dito sa Barrio ay nagkakasiyahan habang kumakain ng barbeque. Si Manang ay nagdala pa ng papaya, si Pogi ay nagdala ng pritong manok. Iyong iba ay may bitbit din na mga niluto nila. Ganito rito sa barrio. Hindi pupunta ang mga ito na walang dala. "Magandang gabi po sa ating lahat." Magalang na bati ko sa mga bisita. Agad namang nanahimik ang mga ito at gumawi ang tingin sa amin ni Colton. Abala sina Felip sa pagpaypay ng mga nakasalang na barbeque. "Nagdesisyon po kaming papuntahin kayo rito para isang sabi at kwento na lang din ng totoong nangyayari sa pamilya namin ngayon. Pamilya namin kayong lahat dito kaya naman nais naming sa amin ninyo mismo marinig ang totoo at tamang

