Chapter 127 "Mas kailangan nating mag-ingat, mahal ko." Marahan kong hinaplos ang pisngi nito. Magkatabi kaming nakahiga sa kama ko. Isa na naman ito sa mga gabing kailangan pumuslit ni Glezel. Kanina kasi ay mainit ang ulo ni Ma'am Luci at ipinatawag ang lahat. Ewan ko ba, feeling ko'y inisip agad ng babae na narito sa mansion ang babaeng mahal ko. Hindi ba pwedeng sa school? Hindi ba pwedeng nasa kung saan? Kinakabahan tuloy ako, eh. Ipinaalala kanina ni Ma'am Luci na bawal sa mansiong ito ang makipagrelasyon sa kapwa tauhan lang dito. Ang gagawin lang sa mansion na ito ay trabaho. Trabaho lang. "Oo, Top. Kung pwede rin ay hindi muna ako dadalaw dito. Lie low muna tayo. Baka kasi mahuli tayo. Alam mo naman... importante sa akin ang trabaho ko dahil dito lang kami umaasa nila Na

