Chapter 123 "Hindi ka maglalaro. Mag-aral ka ngayon." Mariing ani ni Mrs. Re Vinci sa kanyang anak. Pagkatapos nitong magpakasasa kasama roon sa kwarto iyong bisita n'ya ay si Miss Lucinda naman ang pag-iinitan n'ya. "Mama, tapos na po kaming mag-study ni yaya." Magalang na sagot ni Miss Lucinda. Ngunit hinablot ng ginang ang braso nito at hinila patungo sa sala. Nakalatag doon ang mga activity book ni Miss Lucinda. "No. Hindi ka pwedeng pa-easy lang. Aralin mo itong susunod na lesson. Hindi ba't nagkaroon ka ng maling sagot sa isang activity mo? Dahil iyon sa hindi ka nag-aaral nang maayos. Hindi ka pwedeng maging bobo. Naintindihan mo?" "O-opo. H-uwag ka na pong magalit, mama. I love you po." Bagsak ang balikat ni Miss Lucinda na lumapit sa activity book nito at sinimulang gawin i

