Chapter Eighty-five "Bakit ang saya mo?" narinig kong tanong ni Coby. Pagkaalis nila Felip ay saktong nagising ang bata. Nandito na kami sa garden at nagdidilig. Ito naman kasi si Colton ay parang sira. Pangiti-ngiti ito na hindi mo alam kung bakit gano'n. Kaya itong si Coby ay nacu-curious tuloy. "Masaya lang ako, Coby." "Bakit nga po?" "Kasi love rin ako ng mama mo." Nagsalubong ang kilay na napatingin ako rito. May sinabi ba ako kanina na love ko siya? Parang ang sinabi ko lang ay akin siya, ah! "Ha? Si mama? Ako lang ang love ni mama ko. Tsk." Biglang nasira ang mood ng bata. Tumakbo palapit sa akin at yumakap sa binti ko. Ito na naman po ang anak ko, akala mo'y maagawan ng mama. "Oo, Coby. Love na love ka ng mama. Hindi ko naman aagawin ang mama mo sa 'yo. Love na love ka