THE WILD PRINCESS BY : SHERYL FEE CHAPTER 15 Simula ng may mangyari sa dalawa at nagkaaminan ng nararamdaman ay mas naging masaya ang kanilang mga araw habang nasa Lagawe sila. Sa umaga lalo bago sumikat si inang araw ay magkasama silang naglalakad este jogging pala sa paligid ng bahay na kanilang inuukupa. Minsan jogging sila pababa sa bayan at doon mag ikot ikot hanggang sa maisipan nilang umuwi. At sa hapon naman ay sa likod bahay sila habang nakaupo at sabay na panoorin ang paglubog ng araw. Minsan kahit ang masaya nilang araw ay nauuwi sa harutan na nauuwi naman sa mainit na tagpo. Pero kagaya ng kasabihan na ang buhay ay parang gulong minsan nasa ibabaw minsan ilalim. Na ang mga masasaya nilang araw ay punong puno ng mga pangarap at isa na doon