Pabalik-balik ng lakad si Marcus sa loob ng kaniyang silid. Alas singko pa lang ng hapon ay nakauwi na siya ng bahay galing trabaho. Ang balak sana niya ay ayain na kumain sa labas ang kaniyang mag-ina, kaya lang mahigit dalawang oras na siyang naghihintay ay hindi pa rin ito dumarating. Ang sabi ni Dina ay dadalaw raw ito sa kaniyang ama sa ospital at isinama si Liam sa pag-alis. Naka-off ang cellphone nito kaya hindi niya ma-contact. Dahil sa labis na pagkainip ay kung ano-anong posisyon na ang ginawa niya ng makahiga sa kama. Naroong nakadapa, nakatihaya, nakatalikod, nakabaluktot, nakatuwad at nagpadausdos pa sa higaan. Panay ang tingin niya ng oras sa suot na relong pambisig. Lumipas ang isang oras, dalawa, hanggang sa naging tatlo. Tok... tok... tok! Napabalikwas siya ng bangon
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


