“What a lovely family...” saad ni emcee nang makitang nakayakap ako kina mom and dad. “Gusto rin natin marinig ang message ng dalawang kapatid na lalaki ni Miss Mallory, tama ba ako?” tanong niya sa mga guest namin. “Sir Adam and Sir Asher, anong wish niyo sa nag-iisang kapatid niyong babae ngayong nasa legal age na siya. Mauna natin pakinggan ang message ni Sir Adam.” Binigay na niya ang microphone kay kuya Adam. Nakita ko ang gulat sa mukha niya, hindi niya inaasahan na maging siya ay magbibigay ng message. “Hello to everyone... I wish for her is good health and always be happy. Wala na akong iwi-wish for her dahil alam kong nasa kanya na iyong gusto niya, kaya ngayon good health and happiness niya ang pinapanalangin ko sa kanya. Happy birthday, Mallo.” seryosong sabi ni kuya Adam sa ak