FRIDAY, last day naʼng aming Foundation day. Ngayong araw ay magaganap ang Mr. and Ms. Education, panlaban namin ang mag-jowa na sina Xavier and Chloe. Kaya malakas ang loob naming mananalo kami ngayon taon. “Guys, by nine in the morning mag-uumpisa na angg event, ha? Dapat naisuot na nina Chloe and Xavier ang mga costume nila!” malakas na sabi ni Paul nang pumasok siya sa loob ng classroom namin. Hindi naman na kami dapat maging aligaga dahil tapos naman na makeup-an silang dalawa, sinusuot na lamang ni Chloe ang costume niyang Athena. Si Xavier naman ay nakabihis na rin. Eksakto talaga ang costume na ginawa namin sa kanilang dalawa. “Wow, ang angas mo, Chloe!” bulalas na sabi ko nang makita ko siya. “Bagay sa iyo ang Athena, mabuti na lamang iyon ang nabunot niyong dalawa.” dagdag n