NAKABALIK na rin kami sa Pilipinas pagkatapos ng two days naming nasa Singapore. Hindi man kami masyadong nakalabas at least nakapiling ko nang matagal si daddy Rey sa hotel room namin. Pinuntahan muli namin ang kotse niyang naka-park doon, bago niya pinasakay ay chineck niya muna ang buong sulok ng kotse niya kaya halos thirty minutes akong nasa labas habang mabusisi niyang inispeksyon ang kanyang kotse. “Hop in, mallows. Clear ang car ko,” saad niya sa akin matapos ang thirty minutes na iyon. Pumasok na ako sa loob ng passenger seat at nakita ko ang pag-ikot niya papunta sa driver seat, nag-seatbelt na rin ako. Nakita ko ang orasan sa kotse niya, pasadong alas-kʼwatro naʼng umaga. “Pʼwede kang matulog, mallows. Gigisingin na lamang kita kapag nasa inyo na tayo.” Napatingin ako sa ka