KINABUKASAN, maaga akong nagising para pumasok sa Maravilla University. Kailangan ay by nine in the morning ay nandoon na raw kami para kunin ang gagamitin namin for baccalaureate mass. Mabilis akong nag-asikaso sa aking sarili, niligo at nagbihis ako ng pants and shirt lamang. Naglagay ako nang kaunting makeup at nilugay ang aking buhok. Lumabas na rin ako sa walk-in closet ko dala ang aking sling bag na bigay ni daddy Rey sa akin, naaalala ko na ang tungkol dito, heto ang gift niya sa akin noong 10th birthday ko. Speaking of daddy Rey, I miss him. Kinuha ko ang aking phone sa may side table at nakita ko ang chats niya sa akin. Rey: Good morning, my mallows. Rise and shine, okay? Hindi ako makakapaghatid sa iyo today, but pupunta ako dʼyan mamaya dahil mamamahikan na kami sa inyo.